Monday, February 23, 2009

DUTY





Dun sa unang picture nasa Lucena United Doctors Hospital and Medical Center kami, Group 3, post conference na namin nun kaya relax na.. Tapos yung pangalawa at pangatlo eh sa Mount Carmel Hospital hindi kami dun nagduty pero sinamahan namin si nel kasi nandun mom nya sa elevator nga pala yung pangatlo...hahaha

CAN'T QUIT DRINKING


To those who can't quit drinking, is this the same reason why?..hahahaha..


+_jameelmykaela_+

TRIP NILA SA LUCBAN


Naglalaro ako kanina ng zoo empire ng biglang may nag doorbell, tinawag ko yung kapatid ko at pinatingnan ko kung sino yun, sabi nya sa akin sina Butch daw kaya nagmadali akong magpalit ng t-shirt at pinasabi ko sandali lang, saktong pababa ako ng hagdan may narinig akong banda ayun may parada na naman pala sabi pa nga ni Kj hindi ko na daw kelangang paghandaan ang pagdating nila, natawa naman ako, sabi ko "hahaha". Ayun sabi pa nga nila kung hindi ka pwede sa Lucena, kami ang pupunta sayo dito sa Lucban. katouch noh?!..wahahaha

Pinapasok ko na sila kasi na iihi na daw sila kaya habang na ihi ang isa kwentuhan muna kame, hahaha, ang saya talagang kasama sila!...Ang mga nagpunta nga pala ay sina Butch, Kym, Gabo, Jim, Kj, Charles at Clark.

Nang magutom sila inaya nila ako, sumama na daw ako sa kanila kaya naman nagpalit nalang ako ng shorts, nagsuklay at syempre nagcologne. hahaha.

Habang naglalakad kame sa tabing kalsada at nag-iisip kung saan kakain napatingin kame sa ground zero at naghamonan na dun nalang, ayun dahil ayaw na magpatalo dun na nga kame kumain, pagkahanap ng pwesto picturan na agad, walang pinagbago, masaya pa din talaga!.. Sina Kym, Butch at Kj na ang nag-order isa family size na super supreme pizza at dalawang order na pansit lucban, tulad ng dati ambagan pero syempre mas malaki ata binayad nina Kj,hahaha. Solve! nabusog kami, hindi lang ang tiyan busog din sa kwento eh at kasiyahan. Buti nalang sumama ako sa kanila.


Ilang linggo pa ulit bago sila mag-uwian kasi mamaya luluwas na ulit sila pamanila. Tulad ng dati mamimiss ko talaga sila ng bonggang bongga.




+_jameelmykaela_+022309_+

Sunday, February 22, 2009

-aports pixes-










There are no words that are good enough to explain precious moments with my barkada, those pictures tells so much about how we value each and everyone kaya nga APORTS. walang iwanan. One for all. All for one.

guys! salamat!

APORTS





APORTS is what we call our clique, we don't actually criticize instead we mind our own business or the problems of each of our "tropz". We don't only go out with just our group cause we also invite our batch mates, classmates and friends although of course there are times when we need to talk about something private within the group, some problems that needs to be solved or just chit chats and bonding. Some ask what does APORTS really mean? Well actually we haven't really thought about putting some meaning for each letter, busy, i guess. When you read APORTS backwards you may read it as STROPA and some of us said that it meas STROLL PALAGI, hehe. but it should read as TROPA we just put "S" because we're many and just for fancy reading. According to aports.kjhey it originated from welman. Our mission is to make our BARKADAHAN last forever or to make it last long. We decided to use APORTS as a tool to help ourselves in school works, assignments, projects for us to be able to graduate fair enough. We used APORTS to have some company whenever we feel like it. For quite some time APORTS have shared our ups and downs, for sickness and in health till death do us part. hehe..In our BARKADAHAN we have our own uniqueness, we are all different, some are good in singing, dancing, acting, playing some instrument, speaking, making the group laugh or even just smile with some corny or green jokes. hahaha. but without those differences and talents within us we could have never decided to continue defending APORTS and we used those differences to supplement the needs or talents of other to produce a better aftermath. :)

APORTS ©

To all THOMASIANs and DOMINICANs:

THANK YOU AND SORRY!..

you may be thinking why we made this group only for some and not for the public. The members of this group can only decide if everyone agrees that's why ONE FOR ALL, ALL FOR ONE.

We don't always go out only with the members because we also want to be with each and everyone of you!

To all BATCH MATES '07-08

CONGRATULATIONS!..

GOOD LUCK in our COLLEGE LIVES!

LET US ALL BE PROSPEROUS AND SUCCESSFUL! hahaha



*late ko na napost..hahaha.. (december22,2007)

ROTC - FIRING AND RAAPE

February 22, 2009. Firing namen kanina pero dahil sa hindi talaga maiiwasang disgrasya ayun may natamaan pero hindi yung as in nabaril ha?.. M16 yun with 8 bullets at sabi nga ng mga sundalo at officers dun daw sa 16,000 na bullets na nilaan para sa aming lahat na kadete eh hindi nakakasiguro na lahat ng yun eh maayos at walang papalya at hindi mag-alibi..hahaha... ayun at dahil nga may nadaplisan nung tumalsik na bala (hindi ko sure ha pero hindi siya naputukan,yung parang residue nung bullet ang tumama sa kanya.) at nakaabot agad sa nakatataas ayun pinatigil ang firing, hindi na nga kami inabutan eh, haix'. bali meron din daw kasing nangyareng ganun sa cavite at laguna ata yun. hayun..hehehe...By the way CHAMPION nga pala kame sa RAAPE (Regional Annual Administrative Performance and Evaluation) sa DRRO ako kasali bilang isang medix nag perform kame ng scenario na nagpapakita nung mga hinihingi nung evaluator, siguro by that time 3-4 times na namin na practice yung pinaghandaan naming scenario which is yung sa mall na may bombing ayun ako eh rescuer tapos si mhario yung i-rerescue ko..haha, fireman's carry ginawa ko kaya lang nung mismong evaluation nung January ,naiba yung naging scene kasi iba na hinihingi, naaksidenteng vehicle naman daw pero ganun pa din ginawa namen ayun 9.99 kame out of 10..hahaha (naks ang yabang naman.)

Saturday, February 21, 2009

..pixes..




My shoes after our general practice for the DRRO (ROTC).





My shoes after our practice sa field for the presentation sa PASUC OLYMPICS.






4 pictures above was taken during our laboratory experiment.



TAOFU: sunflower seeds



Christmas tree sa QMC lobby.

These are some of my favorite pictures...

The first three pictures:
>hahaha, general rehearsal namin ng scenario para sa evaluation, sa field kame nun ngpresent kahit practice palang saktong basang basa pa ang field kea putik putik talaga..ahaha..ayun well atleast magnda naging result ng aming evaluation, 9.99 out of 10..oha!oha!oha!...hehehe..

The next three pictures:
>after naman yan ng practice namin sa field bago mag PASUC IV-A & B OLYMPICS last February 8-14, 2009, hosted by SLSU-LUCBAN,QUEZON.

The next four pictures:
>Sa laboratory yan, sa College of Arts and Sciences, Jose Rizal Building. Group01 kme..kasama ko sa pix si nel, jhoan,mhario, ako tpos si lester..yung nsa likod eh si PJ at c mam Babat. tapos ung experiment namen..nde ko lng maalala kung anu anu hinalo jan,bsta may ethyl ata yan.

Second to the last picture:
> kamay namen yan nung minsang kumain kame ng sunflower seed sa kubo tabi ng College of Allied Medicine, Melchora Aquino Building. Naggawa kame ng tatlong receptacles para dun ilagay ung mga sunflower seeds at ung balat nito.ahahaha..

Last picture:
> yan yung christmas tree sa QMC, bawal mag picture pero ayan..mejo pasaway kame eh..xaka maganda kze yung xmas tree..hahah..(Sorry po!),.Yan eh nung nag duty kame siguro last duty namen yan nung xmas break o 2nd to the last duty.hehee.. nsa GYNE-ward kame..

ANG BAYAN NG LUCBAN


ANG BAYAN NG LUCBAN
(promised land)


Tama, promised land kung tawagin ko ang bayan ng Lucban, dito ako nag-aaral sa ngayon, dito na ako nakatira.

Marami kang makikita sa Lucban, maraming bago sa paningin at naku madaming kakanin, hehe. Sa totoo lang hindi ko alam paano ko mailalarawan ang Lucban siguro dahil na din walang salitang mas gaganda pa sa mismong bayan na ito. Iisa-isahin ko ang mga TOP 10 na bagay na talagang magiging dahilan upang mahalin ko ang bayang ito:

1) SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY.
> Dito ako nag-aaral sa kursong BSN, sa totoo lang noong una ay wala sa plano kong dito mag-aral kasi hindi ko naman aakalaing makakapasa ako sa entrance exam palang. (dito ko napatunayan na hindi formality dito ang exam, talagang mayroong hindi pumapasa kaya sabi ko sa sarili ko, "yun, swerte!, hehe") AB PSYCHOLOGY sana kukunin ko, pinapaltan ni mama, pero thankful ako, bakit?..malalaman nyo sa mga susunod na dahilan.

2)BSN-1A
> Oo, mga kaklase ko kasi kung hindi dahil sa kanila hindi ko ma-eenjoy ang college life ko, dba? haha.. xka sila kasama kong mag-enjoy sa bayan na ito. Hindi man sila lahat taga Lucban, o kahit hindi man lahat sila taga Quezon aba, enjoy talaga!

3)LUCBANIN
> Ang mga Lucbanin eh baling babait, haha. At dahil sa mga kaklase kong Lucbanin ayun nalibot ko na ata ang kahalati ng Lucban. Hindi ko na babanggitin anu pa meron ang mga Lucbanin kze mas gusto kong kayo makasaksi at makaranas ng mga katangiang naku hindi nyo makikita sa iba. haha


4)FOODS
> Pancit Lucban palang panalo na..haha, kahit san ka magpunta sa lucban meron nito, pero mas masarap ata kung bibili ka dun sa naglalako sa kalsada na nasigaw ng "pansiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiit" hahaha, totoo masarap talaga. Longganisang lucban isa pang masarap lalo na sa almusal, amoy palang talagang gugutumin ka eh. Isa pa sa nagustuhan kong pagkain dito eh ang palabok, hindi naman ako nakain dati masyado ng palabok kasi mas gusto ko spaghetti pero ng matikman ko ang palabok dito, mapa mustiola's man o sa may palengke naku, panalo!.. mura pero mapaka dame. As in madame talaga. marami pang pagkain dito na wala sa pinanggalingan ko, meron man pero hindi ko man lang nasilayan dun.hahha. marame kasing naglalako dito pag hindi pansit eh mga kakanin, minatamis.

5)TINDA AT TRICYCLE
> Dito ko lang ata nakitang magbaba ng presyo, sa paninda at sa pamasahe. Sa school canteen kasi ung ham with cheese with egg ang paborito naming bilhin dati 27 yun, pero nitong mga nakaraang linggo aba nagulat ako kasi 26 nalang..hahaha..piso lang ibinaba pero atleast nag mura diba?.. tapos yung pamasahe, dati 7 naging six at pag nagbayad ka ng 7 ibabalik talaga yung piso mo. Oh diba?.. Saka nga pala dami ng nag-uuli dito na iba't-iba ang sinisigaw merong "pansiiiiiiiiiiiit", "mais mais", "balot", "tahohohohoo"(ganyang talaga kung panu isigaw, hindi tulad sa iba na "tahoooooooooooooo") hehehe, meron pa ngang "sapatos, sapatos".hahha

6)SIOPAO
>Ito kasi yung dinadayo namen nung nsa Highschool palang ako, kasama eh yung mga kabarkada ko. masarap talaga. Una naming natikman yung sa Bunsuran tapos may nakapagsabi samin na masarap daw sa Myra's kaya nung sumunod na beses na dinayo namin toh eh hinanap namen pero dahil hindi namen nahanap a may nakita kaming isa pang siopawan na pahaba, dun naman kame bumili at tinikman ang siopao nila Lydia's naman yun..Nang lumipat na kme dito sa Lucban saka ko lang ito nakita ang Myra's ang lapit lang pala, kaya lang hindi ko na kasama mga barkada ko nun.

7)LUGAW
>Teka, parang inisa isa ko lang mga foods ah, pero ito eh yung mga mas madalas naming kainin. Lugaw kasi dito sa Lucban eh malamig kaya kapag sobrang lamig na talaga, ayun magkaka-akitan kaming mag lugaw. masarap talaga, maraming lugawan dito at lahat ng yun eh masarap.

8)SPORTS
>Dati alam ko lang volleyball, Basketball, Badminton at yung mga ordinaryong sports na napapanuod ko sa school intrams pero ng tumungtong ako sa college aba teka..haha, dito ako nakapanuod ng SOCCER, sepak takraw, baseball, softball, tennis, track and field, high jump, weight lifting, boxing, anu paba?..basta yung mga sports na iba PARA SA AKIN ha..Enjoy talaga

9)ROTC
> aba ang ROTC namen iba talaga, the best nga kasi madame din ako natutunan dito, kapagod lang talaga pero worth it ang pag eenrol ko dito, madame din kasi ako dito nakilala at naging friends. Tapos ang mga activities eh talagang masaya at kakaiba. nagkaroon kami ng parang intrams, ROTC ball na hanggang 12am tlga, yung evaluation ba na kasali ako sa DRRO na out of 10 eh 9.99% kame..oha!oha!oha!...hehehe/. tapos ng dahil din sa ROTC eh nalaman ko ang blood type ko..hahaha..pero para malaman mo ang blood type mo eh kelangan mong mag donate ng dugo. hehehe..ayun dalawang beses na akong nakapag donate nag tig 450mL. bale mga 900mL. na nadodonate ko. Type AB nga pala ako..hehehe

10)KLIMA
>Noong mga panahong nag iinquire palang kame dito maulan na..kala ko malas lang kame kasi tuwing pupunta kami dito eh naulan, yun pala sadyang maulan sa lucban at sadyang magulo ang panahon dito. napatunayan ko din yun nung first week ng february, practice namin para sa PASUC IV-A & B OLYMPICS, sasayan kame una ang halina sa lucban ng may arangya at bilao, kasunod ang flaglets tapos kami, payong kasunod ang fitness ball, poppers at yung mga tela na paang nsa island cove..hahaha..kasi naman ang init init biglang uulan ng napakalakas tapos iinit, tpos aambot, tapos iinit ng sobrang init..hahaha..pero isa ito kaya mahal ko ang lucban.


* Hindi lang yan ang mga dahilan kung bakit ko natawag na promised land ang bayan ng lucban, maraming karanasan na talagang kakaiba dito pero sa kaibahang yun eh yun pa talaga ang nagpaganda dito!....anggang dito na muna..



+_jameelmykaelaobisagas_+_21.02.09_+