
ANG BAYAN NG LUCBAN
(promised land)
Tama, promised land kung tawagin ko ang bayan ng Lucban, dito ako nag-aaral sa ngayon, dito na ako nakatira.
Marami kang makikita sa Lucban, maraming bago sa paningin at naku madaming kakanin, hehe. Sa totoo lang hindi ko alam paano ko mailalarawan ang Lucban siguro dahil na din walang salitang mas gaganda pa sa mismong bayan na ito. Iisa-isahin ko ang mga TOP 10 na bagay na talagang magiging dahilan upang mahalin ko ang bayang ito:
1) SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY.
> Dito ako nag-aaral sa kursong BSN, sa totoo lang noong una ay wala sa plano kong dito mag-aral kasi hindi ko naman aakalaing makakapasa ako sa entrance exam palang. (dito ko napatunayan na hindi formality dito ang exam, talagang mayroong hindi pumapasa kaya sabi ko sa sarili ko, "yun, swerte!, hehe") AB PSYCHOLOGY sana kukunin ko, pinapaltan ni mama, pero thankful ako, bakit?..malalaman nyo sa mga susunod na dahilan.
2)BSN-1A
> Oo, mga kaklase ko kasi kung hindi dahil sa kanila hindi ko ma-eenjoy ang college life ko, dba? haha.. xka sila kasama kong mag-enjoy sa bayan na ito. Hindi man sila lahat taga Lucban, o kahit hindi man lahat sila taga Quezon aba, enjoy talaga!
3)LUCBANIN
> Ang mga Lucbanin eh baling babait, haha. At dahil sa mga kaklase kong Lucbanin ayun nalibot ko na ata ang kahalati ng Lucban. Hindi ko na babanggitin anu pa meron ang mga Lucbanin kze mas gusto kong kayo makasaksi at makaranas ng mga katangiang naku hindi nyo makikita sa iba. haha
4)FOODS
> Pancit Lucban palang panalo na..haha, kahit san ka magpunta sa lucban meron nito, pero mas masarap ata kung bibili ka dun sa naglalako sa kalsada na nasigaw ng "pansiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiit" hahaha, totoo masarap talaga. Longganisang lucban isa pang masarap lalo na sa almusal, amoy palang talagang gugutumin ka eh. Isa pa sa nagustuhan kong pagkain dito eh ang palabok, hindi naman ako nakain dati masyado ng palabok kasi mas gusto ko spaghetti pero ng matikman ko ang palabok dito, mapa mustiola's man o sa may palengke naku, panalo!.. mura pero mapaka dame. As in madame talaga. marami pang pagkain dito na wala sa pinanggalingan ko, meron man pero hindi ko man lang nasilayan dun.hahha. marame kasing naglalako dito pag hindi pansit eh mga kakanin, minatamis.
5)TINDA AT TRICYCLE
> Dito ko lang ata nakitang magbaba ng presyo, sa paninda at sa pamasahe. Sa school canteen kasi ung ham with cheese with egg ang paborito naming bilhin dati 27 yun, pero nitong mga nakaraang linggo aba nagulat ako kasi 26 nalang..hahaha..piso lang ibinaba pero atleast nag mura diba?.. tapos yung pamasahe, dati 7 naging six at pag nagbayad ka ng 7 ibabalik talaga yung piso mo. Oh diba?.. Saka nga pala dami ng nag-uuli dito na iba't-iba ang sinisigaw merong "pansiiiiiiiiiiiit", "mais mais", "balot", "tahohohohoo"(ganyang talaga kung panu isigaw, hindi tulad sa iba na "tahoooooooooooooo") hehehe, meron pa ngang "sapatos, sapatos".hahha
6)SIOPAO
>Ito kasi yung dinadayo namen nung nsa Highschool palang ako, kasama eh yung mga kabarkada ko. masarap talaga. Una naming natikman yung sa Bunsuran tapos may nakapagsabi samin na masarap daw sa Myra's kaya nung sumunod na beses na dinayo namin toh eh hinanap namen pero dahil hindi namen nahanap a may nakita kaming isa pang siopawan na pahaba, dun naman kame bumili at tinikman ang siopao nila Lydia's naman yun..Nang lumipat na kme dito sa Lucban saka ko lang ito nakita ang Myra's ang lapit lang pala, kaya lang hindi ko na kasama mga barkada ko nun.
7)LUGAW
>Teka, parang inisa isa ko lang mga foods ah, pero ito eh yung mga mas madalas naming kainin. Lugaw kasi dito sa Lucban eh malamig kaya kapag sobrang lamig na talaga, ayun magkaka-akitan kaming mag lugaw. masarap talaga, maraming lugawan dito at lahat ng yun eh masarap.
8)SPORTS
>Dati alam ko lang volleyball, Basketball, Badminton at yung mga ordinaryong sports na napapanuod ko sa school intrams pero ng tumungtong ako sa college aba teka..haha, dito ako nakapanuod ng SOCCER, sepak takraw, baseball, softball, tennis, track and field, high jump, weight lifting, boxing, anu paba?..basta yung mga sports na iba PARA SA AKIN ha..Enjoy talaga
9)ROTC
> aba ang ROTC namen iba talaga, the best nga kasi madame din ako natutunan dito, kapagod lang talaga pero worth it ang pag eenrol ko dito, madame din kasi ako dito nakilala at naging friends. Tapos ang mga activities eh talagang masaya at kakaiba. nagkaroon kami ng parang intrams, ROTC ball na hanggang 12am tlga, yung evaluation ba na kasali ako sa DRRO na out of 10 eh 9.99% kame..oha!oha!oha!...hehehe/. tapos ng dahil din sa ROTC eh nalaman ko ang blood type ko..hahaha..pero para malaman mo ang blood type mo eh kelangan mong mag donate ng dugo. hehehe..ayun dalawang beses na akong nakapag donate nag tig 450mL. bale mga 900mL. na nadodonate ko. Type AB nga pala ako..hehehe
10)KLIMA
>Noong mga panahong nag iinquire palang kame dito maulan na..kala ko malas lang kame kasi tuwing pupunta kami dito eh naulan, yun pala sadyang maulan sa lucban at sadyang magulo ang panahon dito. napatunayan ko din yun nung first week ng february, practice namin para sa PASUC IV-A & B OLYMPICS, sasayan kame una ang halina sa lucban ng may arangya at bilao, kasunod ang flaglets tapos kami, payong kasunod ang fitness ball, poppers at yung mga tela na paang nsa island cove..hahaha..kasi naman ang init init biglang uulan ng napakalakas tapos iinit, tpos aambot, tapos iinit ng sobrang init..hahaha..pero isa ito kaya mahal ko ang lucban.
* Hindi lang yan ang mga dahilan kung bakit ko natawag na promised land ang bayan ng lucban, maraming karanasan na talagang kakaiba dito pero sa kaibahang yun eh yun pa talaga ang nagpaganda dito!....anggang dito na muna..
+_jameelmykaelaobisagas_+_21.02.09_+


1 comment:
mis ko nga din ang Lucban,lalo n ung siopao sa Myra's.. atsaka syempre ung pansit habhab..tsaka ung toppings s tapat ng SLPC..at ung lugaw n may litson n binasbasan ng sinilihang mantika ng baboy..mahigit isang dekada ng nklipas..nsa sulok lng ng tenga ko ung sigaw ng Pansiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiit!..pati ung isdang sinaEENNGG! salamat s blog!
Post a Comment