Monday, February 23, 2009

TRIP NILA SA LUCBAN


Naglalaro ako kanina ng zoo empire ng biglang may nag doorbell, tinawag ko yung kapatid ko at pinatingnan ko kung sino yun, sabi nya sa akin sina Butch daw kaya nagmadali akong magpalit ng t-shirt at pinasabi ko sandali lang, saktong pababa ako ng hagdan may narinig akong banda ayun may parada na naman pala sabi pa nga ni Kj hindi ko na daw kelangang paghandaan ang pagdating nila, natawa naman ako, sabi ko "hahaha". Ayun sabi pa nga nila kung hindi ka pwede sa Lucena, kami ang pupunta sayo dito sa Lucban. katouch noh?!..wahahaha

Pinapasok ko na sila kasi na iihi na daw sila kaya habang na ihi ang isa kwentuhan muna kame, hahaha, ang saya talagang kasama sila!...Ang mga nagpunta nga pala ay sina Butch, Kym, Gabo, Jim, Kj, Charles at Clark.

Nang magutom sila inaya nila ako, sumama na daw ako sa kanila kaya naman nagpalit nalang ako ng shorts, nagsuklay at syempre nagcologne. hahaha.

Habang naglalakad kame sa tabing kalsada at nag-iisip kung saan kakain napatingin kame sa ground zero at naghamonan na dun nalang, ayun dahil ayaw na magpatalo dun na nga kame kumain, pagkahanap ng pwesto picturan na agad, walang pinagbago, masaya pa din talaga!.. Sina Kym, Butch at Kj na ang nag-order isa family size na super supreme pizza at dalawang order na pansit lucban, tulad ng dati ambagan pero syempre mas malaki ata binayad nina Kj,hahaha. Solve! nabusog kami, hindi lang ang tiyan busog din sa kwento eh at kasiyahan. Buti nalang sumama ako sa kanila.


Ilang linggo pa ulit bago sila mag-uwian kasi mamaya luluwas na ulit sila pamanila. Tulad ng dati mamimiss ko talaga sila ng bonggang bongga.




+_jameelmykaela_+022309_+

No comments: